Bong Go umayaw maging presidential bet ng PDP-Laban

PORMAL nang tinanggihan ni Senador Bong Go ang endorsement ng National Executive Committee ng PDP-Laban para maging pambato ng partido bilang pangulo sa darating na 2022 elections.

Sa sulat ni Go sa partido na ipinadaan kay Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chair ng kanyang paksyon sa PDP-Laban, iginiit ng senador na wala talaga siyang interest na tumakbo sa pagkapangulo.

“As much as I wish to respond to the clamor of many of our partymates. I most respectfully decline the said endorsement. As I have said many times before, I am not interested in the presidency,” ayon kay Go.

Dagdag pa niya, nais anya niyang pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa gobyerno para labanan ang pandemya.