70 pupils na food poison; lumpia itinuturong salarin

NAOSPITAL ang 70 mag-aaral ng San Francisco Elementary School sa Sablayan, Occidental Mindoro dahil sa umano’y food poisoning ngayong Lunes ng hapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaranas ng pagkahilo, pagsusuka at LBM ang mga estudyante na nasa Grade 4 hanggang 6 makaraang kumain ng lumpia.

Inaalam pa ng mga otoridad kung binili ang lumpia sa canteen ng paaralan o sa labas.

“The Department is currently coordinating with the schools division office to get the facts,” ani DepEd spokesman Michael Poa.

Nagsimulang maramdaman ng mga mag-aaral ang sintomas ala-1 hanggang alas-2 ng hapon.