Tatakbo o hindi? Alamin sa Oktubre–Leni

DUDA si Vice President Leni Robredo na maiaanunsyo niya sa publiko ang planong pagtakbo sa 2022 elections bago matapos ang buwan.


“Alam mo ang deadline sanang binigay ko sa sarili ko, third or fourth week of September,” ani Robredo.


Pero aniya, mayroon pa siyang hanggang Oktubre 8 para makapagdesisyon.


“Hindi ko alam kung kaya naming ma-beat iyon, pero mayroon pa naman until October 8. Ang dasal ko lang na sana lahat willing.


Sana lahat willing na mag-usap. Lahat willing na to set aside kung anuman iyong mga kahirapan namin sa kaniya-kaniyang naming mga grupo for the country,” paliwanag bi Robredo.


Inamin din niya na hindi pa niya natatapos ang pakikipag-usap sa mga personalidad na napapabalitang nais tumakbo sa pagkapangulo gaya nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao. –A. Mae Rodriguez