Sara, Baste hihirit ng reelection sa 2022

NAGDESISYON na si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi na talaga tatakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2022 elections, sa halip siya ay hihirit ng reelection para sa pagka-mayor ng syudad.

Bukod kay Sara, ang nakababata nitong kapatid na si Sebastian Duterte, at kanyang vice mayor ay tatakbong muli sa nasabi ring posisyon sa darating na halalan.

Una nang nahalal si Sara bilang mayor noong 2010 hanggang 2013. Muli siyang tumakbo sa nasabing pwesto noong 2016 hanggang 2019, at nagka-second term noong 2019 elections.

Ikinonsidera ni Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections, bagamat hindi na ito itutuloy dahil tatakbo ang kanyang ama sa pagka-vice president.

Anya, usapan nila ng ama na isang Duterte lang ang tatakbo sa national elections.