Resbak ni Isko sa blogger: Bayaran, makapal mukha

NIRATRATAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang blogger na tinawag niyang bayaran makaraang ikalat ng huli ang isang picture ng vaccination site na umaapaw sa dami ng tao.


Hindi-pinangalanan ni Moreno ang blogger, pero bago iyon ay kinastigo ng Manila Public Information Office ang Mocha Uson Blog na nagpapakalat umano ng fake news nang mag-post nito ang larawan ng isang overcrowded na jab facility.


Ayon sa Manila PIO, hindi sa Manila kuha ang larawan kundi sa Antipolo City.


“May isa pang blogger, nag-post ng picture na hindi naman sa Maynila. SavRobinsons Place Antipolo ’yung picture,” ayon kay Moreno.


“Makakapal ang mukha. Kasi ‘pag bayaran ka talaga, gagawin mo ang lahat para lang kumita kahit na mali,” dagdag ng alkalde.


Makikita sa picture na shinare ng nasabing blog ang daan-daang residente na nakapila malapit sa isang mall at naghihintay na mabakunahan.


“YORME. Sa Maynila ganito kami, sa 2022 buong Pilipinas na rin sana,” ang caption nito.