Long Mejia na-fake news sa walk out issue: Sorry, Ellen


HUMINGI ng tawad si comedian Long Mejia sa mag-partner na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos niyang magsalita ukol sa isyu ng pagwo-walk out ng aktres sa taping ng isang sitcom.


Matatandaang sinabi ni Long na unprofessional ang ginawa ni Ellen nang bigla itong umalis sa taping ng “John en Ellen” kasama ang fiance na si Derek.


“Ako ay tiklop-tuhod na humihingi sa iyo ng pasensya… E, nakapagsalita ako sa PEP Talk nang wala palang basehan kung anong nangyayari dahil hindi nasabi sa akin ng production,” ani Long kay Ellen
“E, wala naman ho sana akong masamang ibig sabihin nun. Dahil sa pagmamahal ko lang po sa ‘John en Ellen’. Hindi ko (naman) alam ang mga pangyayari na naganap noong araw na iyon,” dagdag ng komedyante.


Humirit pa si Long na “mami-miss” niya ang “kaibigan” niyang si Ellen kaya naman naging ganoon na lamang ang naging reaksyon niya.


“Pasensya ka na rin dahil nung araw nga na iyon na sinabing ikaw ay aalis na, e nalungkot din ako. Biruin mo, di na tayo magkikita,” aniya.


“E, pasensya ka na, Ellen. Wala naman akong ibang ibig sabihin. Pasensyahan mo na rin ako,” dagdag ni Long. –A. Mae Rodriguez