POGO tax bill aprubado na

INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na naglalayong buwisan ang offshore gaming operations (Pogo) matapos niyang pirmahan ang Republic Act 11590.

Inamyendahan ng bagong batas ang National Internal Revenue Code of 1197.

“This is part of our efforts to strictly regulate all forms of gambling and prohibit illegal gambling,” sabi ni presidential spokesperson Secretary Harry Roque.

Sa ilalim ng batas, 60 porsiyento ng kita ng gobyerno mula sa Pogo ay gagamitin sa Universal Health Care Act.