Digong sa pagtatapos ng termino: Fulfilled na ako

SINABI ni Pangulong Duterte na kuntento na siya ngayon na papalapit na ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

“Pero ngayon na pabalik na ako, matanda naman ako, 77 years old, ewan ko kung anong magdating sa akin. Pero ako sa totoo lang, gusto ko ‘pag wala na akong gagawin sa mundo… Tapos naman trabaho ko, nakapag — may anak ko kandidato pagka vice president, ‘yung isa congressman, ‘yung isa mayor. Fulfilled na ako,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati nang bisitahin sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Tumatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte bilang vice president, samantalang tumatakbo si Pulong Duterte bilang kongresista at mayor naman si Baste Duterte.

“Itong anak ko sa pangalawang asawa, okay naman ang nanay niya kasi nurse, nag-OFW ‘yan sa Amerika tapos umuwi. So ‘yan ang — siya ‘yung ano ko ngayon. Fulfilled na ako sa lahat ng bagay. Wala na akong mahingi. Kung maghingi pa ako sa Diyos ng marami, sabihin ng Diyos, “P***** i** ka, ka-hangol (greedy) mo naman. Umabot ka na diyan…” ayon pa kay Duterte.