Deportation sa 4 Japanese walang kinalaman sa pagbisita ni BBM sa Japan

NILINAW ni Pangulong Bongbong Marcos na pinoproseso na ang pagpapatapon sa apat na wanted na Japanese national bago pa man ang kanyang nakatakdang pagbisita sa Japan.

“It was actually in the process already before the Japan trip was even planned. Nagkataon lang na –it was just by coincidence that it happened,” sabi Marcos.

Matatandaan na ipinadeport ang apat na Japanaese na sinasabing lider ng sindikato sa Japan na nakakapagsagawa ng operasyon kahit nakakulong pa sa detention cell ng Bureau of Immigration sa Pilipinas.

“It was a request from the Japanese government and so we are always going to acquiesce to that request. We thought perhaps it would clear the decks as it were for the talks that we will have with the Japanese,” dagdag ni Marcos.

Nasa Japan ngayon si Marcos para sa working visit hanggang Pebrero 12.