Patay sa Turkey, Syria quake lumobo na sa 12,000

UMABOT na sa 12,000 ang nasawi sa dalawang malalakas na lindol na yumanig sa Turkey at Syria nitong Lunes.

Bukod sa 12,000 na nasawi, mahigit sa 60,000 iba pa ang nasugatan sa lindol na sumentro sa Kahramanmaras province ng Turkey.

Nasa 6,000 mga gusali ang gumuho dahil sa 7.7 at 7.6 magnitude na lindol.

Nagpaabot na ng kanilang pakikiramay at tulong ang iba’t ibang bansa para sa Turkey at Syria. Tina.