‘Call me Robinhood’

NAIS ni Senador Robin Padilla na tawagin siya sa kanyang tunay na pangalan na Robinhood Padilla sa lahat ng kanyang opisyal na komunikasyon.

Sa sulat ni Padilla kay Senate Secretary Myra Marie Villarica noong Hulyo 6, sinabi ni Padilla na Robinhood C. Padilla ang dapat na itawag sa kanya.

“This is to respectfully inform your good office of this Representative’s preference to be addressed as Robinhood C. Padilla for all Senate communications and correspondences,” sabi ni Robinhood.

Ayon kay Padilla, mainam umanong gamitin ang kanyang tunay na pangalan kaysa sa kanyang screen name, bilang paggalang sa institusyon.

“Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado… sa mga opisyal na records lang po ng Senado bilang paggalang po sa institusyon,” ayon sa senador.