Bagong human trafficking scheme bubusisiin— Grace Poe

TINIYAK ni Senador Grace Poe na bubusisiing mabuti ng Senate Blue Ribbon Committee ang ibinunyag niyang bagong iskema ng human trafficking.

“No doubt that it will happen soon,” ayon kay Poe nang tanungin kung maiimbestigahan ang kanyang naging rebelasyon nitong nakaraang araw.

Ayon kay Poe maraming dapat ipaliwanag ang Manila International Airport Authority (MIAA), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP) Aviation Group and the Global hinggil sa bagong modus para makapagtakas ng mga tao sa labas ng bansa.

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkules, ibinunyag ni Poe na nakatanggap ng tip ang Aviation Security Group hinggil sa human trafficking activity na sangkot ang isang eroplano na bibiyaheng pa-Dubai na nagdeklara na may anim na pasahero.

Gayunman nang I-check na ito, May sakay itong 14 katao na walang sapat na dokumento.