Kampo ni Sara itinangging suportado niya ang same-sex marriage

ITINANGGI ng kampo ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na suportado niya ang same-sex marriage.

“Vice President Sara Duterte did not say she supports same-sex marriage in the Philippines, as reported in a news article,” sabi ni Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte.

Kinlaro ni Munsayac ang naging bahagi ng talumpati ni Duterte sa isang mass wedding sa Parañaque City.

“Marami pong gender ngayon na kinikilala ang ating society. Naisip ko, sana sa mga susunod na taon, ‘yung ibang gender, katulad ng mga LGBTQI, ay mabigyan din sila ng proteksyon ng batas sa kani-kanilang lang mga partners at sa kanilang mga relationship,” ang bahagi ng pahayag ni Duterte, ayon kay Munsayac.