Ate Vi, Ralph Recto palit-pwesto sa 2022

KINUMPIRMA ni Senator Ralph Recto na magpapalit sila ng pwesto ng kanyang misis na si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa darating na eleksyon sa susunod na taon.

Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni Recto na kakandidato siya bilang kongresista habang ang asawa naman niyang actress-politician ay sasabak sa pagka-senador sa darating na halalan.

“We’ve been discussing that here in the house if she wants to run for the Senate. That’s a possibility, she may run for the Senate, I might take her place in the House as well,” sabi ni Recto.

Aniya, magdedesisyon silang mag-asawa sa mga susunod na buwan upang selyuhan ang kanilang mga plano.

“We’re watching developments, maybe in the next, within a month and a half or two months, we’ll decide on that. We’ve began discussing it,” aniya.