5 appointees ni Duterte tinabla ng Commission on Appointments

NABIGONG makumpirma ang limang itinalaga ni Pangulong Duterte sa Commission on Appointments (CA) matapos mabigong magkaroon ng quorum sa huling araw ng sesyon ng 18th Congress.

Kabilang sa mga hindi nakumpirma ay sina Commission on Elections (Comelec) Chair Saidamen Pangarungan at dalawang Commissioner na sina George Garcia and Aimee Torrefranca-Neri.

Hindi rin nakalusot sina Civil Service Commission (CSC)Chair Karlo Nograles at Commission on Audit (COA) Chair Rizalina Justol.

Dahil sa pangyayari, nasa kamay na ni President-elect Bongbong Marcos na magtalaga ng mga opisyal.