Uzbek nang-rape sa Tokyo Olympic Stadium

ARESTADO ang isang Uzbek na itinuturong nanggahasa sa isang babaeng empleyado sa Tokyo Olympic Stadium.


Ayon sa ulat, nangyari ang rape matapos ang rehearsal ng Olympics opening ceremony.


Kinilala ang suspek na si Davronbek Rakhmatullaev, estudyante at part-time worker sa stadium gaya ng biktima.


Todo-tanggi naman ang suspek sa bintang at sinabing hindi niya pinilit ang babae.


Gaganapin ang opening ceremony ng 2020 Tokyo Olympics sa Biyernes.

,