13-year-old lapnos ang katawan; TikTok video tinuturong dahilan

THIRD DEGREE burn ang dinanas ng 13-anyos na babae at dalawang linggo na ngayong nasa ospital matapos masunog ang kanyang braso at leeg nang tangkain nitong gayahin ang isang video na nakita niya sa social media.

Credits to ABC News Youtube

Destini Crane ng Portland, Oregon, USA, ay sumailalim na three skin-grafting surgeries matapos magtamo ng third-dgeree burn ang ilang bahagi ng katawan.

Paniwala ng pamilya ni Crane, ginaya ng bagets ang isang video na nakita nito sa sikat na video app na TikTok.

Naganap ang insidente noong Mayo 13 sa kanilang comfort room, ayon sa kapatid nitong si Andrea Crane, nang makapanayam ang ABC News.

Hindi pa rin makausap ng pamilya ang biktima kung anong eksaktong nangyari sa kanya.

Pero ayon sa pamilya, base sa nakita nila sa comfort room at base na rin sa pahayag ng ilang mga kaibigan nito, naniniwala sila na may gustong gayahin si Crane na TikTok video ng isang indibidwal habang nagdodrawing sa salamin gamit ang flammable liquid at saka sisindihan.

Nakita sa comfort room ng mga Crame ang kandila, lighter, bote ng rubbing alcohol.