Travel ban sa ilang bansa dahil sa Indian double mutant pinalawig

PINALAWIG ni Pangulong Duterte ang travel ban sa ilang bansa dahil sa banta ng double mutant variant mula sa India.

Kabilang sa mga bansang sakop ng travel ban hanggang Hunyo 15, 2021 ay ang India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, Oman, at United Arab Emirates.

Nagsimula ang pagbabawal sa mga nanggagaling sa India na makapasok sa bansa noong Abril 29 matapos ang nakababahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa dahil sa Indian variant.