Sa kaka-ML, binata nagpapatayo na ng bahay

ABOT-KAMAY na ni Salic “Hadjizy” Imam ang pangarap niyang dream house. Ito ay dahil sa kalalaro niya ng online games.

Si Iman ay miyembro ng Blacklist International, isang grupo ng mga Pinoy online gamers na lumalaban sa local at international tournaments.

Noong nakaraang Disyembre, naiuwi ng Blacklist International ang korona sa M3 World Championship at premyong P15 milyon sa M3 World Championship, isang Mobile Legends world competition.

Bago ito, napagwagian din ng grupo ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines gold medal na may kaaikabat na premyo na P4 milyon.

Kamakailan ay ibinahagi ni Hadjizy sa Facebook ang larawan ng ipinapatayo niyang bahay na katas ng ML.

“Ang saya sa pakiramdam na unti-unti ko nang natutupad mga pangarap ko. Sa tagal ko sa paglalaro ng MLLB, sulit lahat ng pagod… Maraming salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sakin,” aniya.

📷: Hadji/Facebook