Ex-Japan Prime Minister Shinzo Abe binaril

AGAW-BUHAY ngayon ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe matapos itong barilin sa Nara City Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga inisyal na ulat, dalawang putok umano ang narinig at pagkatapos ay biglang bumagsak si Abe habang nagtatalumpati para sa isang kandidato sa darating na halalan.

Naganap ang insidente alas 11:30 ng umaga (Japan time).

Sinasabi na binaril si Abe mula sa likuran, at may tama ito sa dibdib.

Naaresto naman agad ang gunman, ayon pa sa mga ulat, habang isinugod naman sa ospital ang dating opisyal at sinasabing hindi ito makitaan ng vital signs.