Remulla ‘no comment’ sa akusasyon ni Bantag

WALANG sagot si Justice Sec. Crispin Remulla ang mga akusasyon ng suspendidong Bureau of Corrections chief na si Gerald Bantag.

Nang kunan ng reaksyon sa panawagan ni Bantag na bumaba ito sa pwesto dahil sa pagdidiin niya sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid, ani Remulla: “Just face the charges like a man. No comment.”

Ganito rin ang sagot niya sa sinabi ni Bantag na wala siyang kredibilidad dahil sa paggamit umano niya ng marijuana.

Kaugnay nito, sinabi ng abogado ni Bantag 
na handang harapin ng kanyang kliyente ang mga kasong isampa rito.

“We would like to announce that he will be participating, he will be cooperating in this case para malinis ang kanyang pangalan. Gustong-gusto niya po na matanggap na sana ‘yung complaint against him,” ani Atty. Rocky Balisong.

“Whether criminal or administrative haharapin na lahat para once and for all malinisan at malaman natin ang buong katotohanan,” dagdag ng abogado.