Manny V. Pangilinan namatayan ng arwana: ‘Sad’

ISINAPUBLIKO ni PLDT chairman Manny V. Pangilinan na namatay ang alaga niyang arawana nitong Martes.

“My arowana expired this morning. Sad. Probably absorbed all the angst of Pldt, on our behalf,” ani Pangilinan, isa sa pinakamayayamang indibidwal sa Pilipinas.

Kamakailan ay nadiskubre na nagkaroon ng P48 bilyon na budget overrun ang kumpanya nitong mga nakaraang taon na nagresulta sa pagsibak sa ilang opisyal.

Ang arwana ang pinakamahal na aquarium fish sa mundo. Pinaniniwalaan na nagdadala ang isda ng suwerte at kayamanan sa mga nag-aalaga nito.