Mark Villar nagbitiw bilang DPWH secretary

NAGBITIW na sa kanyang posisyon si Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Epektibo ang kanyang resignation sa Miyerkules, Oktubre 6, 2021.

“Ito na yung huling flag raising ko as DPWH secretary,” ayon kay Villar nang pangunahan nito ang flag-raising ceremony ng kagawaran.

“Today is my last day after five years. I’ve officially, I’ve filed my resignation effective Wednesday. I’ll be stepping down on Wednesday as your secretary,” dagdag ni Villar na mahigit limang taon na hinawakan ang posisyon bilang kalihim ng DPWH.

Hindi naman niya binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, bagamat pinaniniwalaan na ito ay dahil sa inaasahang pagtakbo niya bilang senador.

Isa si Villar sa pambato ng administrasyons