Isko kay BBM: Tumakbo dahil kay ‘Ant Man’, good luck!

NANINDIGAN si presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno na tumatakbo siya sa pampanguluhan dahil nais niyang magsilbi sa publiko at hindi dahil lamang na kumbinsi matapos makapanood ng isang Marvel movie.

Ginawa ni Moreno ang pasaring matapos ibuking ng misis ni Marcos na si Liza Araneta na nagdesisyon ang kanyang mister na tumakbo sa pampanguluhan habang nasa gitna sila ng panonood ng “Ant-Man”.

Ang “Ant-Man” ay isang Marvel movie tungkol sa isang convicted na magnanakaw na naging superhero.

“Ant-man? Yan ba yung sa Marvel? Yung sa istorya from magnanakaw to hero?… Good luck,” pahayag ni Moreno sa panayam sa kanya sa Nueva Ecija nitong Huwebes.

“Wala ako masabi, with all honesty kasi kami ni Doc Willie, nagdesisyon kasi gusto naming i-alay ‘yung serbisyo namin. Gusto namin i-alay ‘yung experience namin, yung mga pangarap namin sa tao,” dagdag pa ni Moreno