David hindi raw ginagamit si Kath para sa atensyon

ITINANGGI ni David Licauco ang mga paratang na ginagamit niya ang pangalan ni Kathryn Bernardo para lalong sumikat. Aniya, gusto lang niyang makatrabaho ang aktres.

Inakusan ng ilang netizens si David ng pagiging manggagamit nang sabihin niya na si Kath ang kanyang dream na leading lady.

“Hindi naman sa sasakay ako or something. I think I’m just being true to myself na siguro like I was looking up to her before. Noong bata ako, siya ‘yung pinapanood ko. So actually ‘dun sa interview na I had, eh talagang sinabi ko lang kung ano ‘yung dream ko,” ani David sa vlog ni Ogie Diaz.

Dagdag niya, matagal na siyang fan ni Kathryn at mahilig sila ng dating girlfriend na manood ng pelikula nina Kathryn at ex-boyfriend Daniel Padilla.

“Doesn’t mean that it will happen, doesn’t mean naman that it might happen. I’m just saying kung ano ‘yung dream ko talaga. Kasi pinapanood ko silang dalawa ni Daniel Padilla. Noong 2014, kasama ko ‘yung girlfriend ko at that time sa sine, pinapanood namin. Siyempre ngayon, sa interview, sasabihin mo lang ‘yung totoo,” pinunto ni David.