Parak binoga ng 7-anyos na anak, dedbol

BINARIL at napatay ng batang lalaki ang kanyang amang pulis na nakikipag-away sa live-in partner noong Sabado sa Sagay City, Negros Occidental.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg si Staff Sgt. Lernie Luntayao Alacha, 44, na nagresulta sa agaran niyang pagkasawi.

Ayon sa ulat, nag-aaway sina Alacha at live-in partner sa kanilang silid nang pumasok ang bata at binaril ang ama gamit ang 9-mm Glock 17 service firearm nito.

Nasaksihan ang krimen ng 12-anyos na adopted son ng mag-asawa.

Bago ito, nagalit ang pulis nang malaman na nakikipag-usap ang babae sa mga followers niya sa TikTok.

“This sparked jealousy and led to a heated argument between the couple, culminating in the victim expressing thoughts of self-harm. In a desperate attempt to intervene, the live-in partner grappled with the victim, leading to a struggle inside their room,” ayon sa ulat ng pulisya.

Kinonsidera naman ang ginang at dalawang bata bilang mga persons of interest at isinailalim sa paraffin test, ani Capt. Hanna Mesheil Banquil, Sagay deputy police chief.