Sara sure na; hindi sisipot sa Comelec debate

INIHAYAG ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na pinal na ang kanyang desisyon na hindi dumalo sa mga debate na inoorganisa ng Commission on Elections.

“I already decided I will do this campaign without joining debates. Iwan ko na po yan sa lahat ng ating mga kababayan — ang mag decision sa pagpili nila sa VP na ganito po ang aking direction sa campaign,” sabi ni Duterte.

Aniya, ipaaalam niya sakaling magbago isip niya.

“Kung magbago man ang isip, we will let you know but as of this very moment the decision is to conduct this campaign without debates,” ayon pa kay Duterte.

Itinakda ng Comelec ang debate na tinaguriang “PiliPinas 2022: The Turning Point” mula Marso 19 hanggang Abril 24 sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City.