318 gun ban violators naitala

UMABOT na sa 318 ang kabuuang bilang ng gun ban violators, ayon sa Philippine National Police nitong Linggo.

Sa tala, may 41 sibilyan ang inaresto nitong Linggo sa gitna nang ipinatutupad na nationwide gun ban na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) bunsod na nalalapit na halalan.

Tatagal ang gun ban hanggang June 8, 2022.

Samantala, may 45,638 na checkpoint ang inilagay ng pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa para sa ipinatutupad na gun ban.