Spider-Man: No way home hataw sa takilya; No.6 highest grossing film in global history

HATAW to the max ang pinaka latest na franchise ng Spider-Man.

Nitong weekend, ang “Spider-Man: No Way Home” ay tinanghal na sixth-highest grossig movie in history matapos itong kumita ng $1.6 bilyon sa global box office.

Naungusan nito ang “Jurassic World” ($1.67 billion) at “The Lion King” ($1.66 billion).

Ngayon na nasa ika-anim na linggo mula sa kanyang pagkaka-release, pumuwesto sa unang spot ang pelikula sa North America at nakapagbulsa ng $14.1 milyon mula nitong Biyernes hanggang Linggo habang $27.7 milyon sa iba’t ibang bansa.