Lacson keri pang maging presidente sa edad na 73

IGINIIT ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na kaya pa niyang maging pangulo kahit 73 anyos na siya.

“Kayang-kaya [ang trabaho] kasi yung huling wellness test ko, sa ating physical test, ‘yung lumabas na body age ko dun is 51 years old,” ayon kay Lacson.

Ipinagmalaki rin ng senador na wala siyang kahit anong bisyo at maganda ang kanyang kalusugan.

“Age doesn’t matter if it doesn’t show and if you do not feel it,” dagdag pa niya.

Bilang kandidato, nakatuon si Lacson na ayusin ang pamahalaan, tapusin ang korapsyon at pagreporma sa budget.