OFW na magkaka-Covid bibigyan ng $200

PAGKAKALOOBAN ng $200 cash assistance ang mga Filipino workers sa Macau na magpopositibo sa Covid-19, ayon kay Department of Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople.

Inihayag ni Ople na ibibigay ang tulong-pinansyal sa pag-uwi sa bansa ng mga OFWs.

Manggagaling ang cash aid, dagdag ng opisyal, mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration dahil wala pang sariling pondo ang DMW. 

Base sa ulat, 76 OFWs na ang positibo sa Covid-19 sa Macau.

Sa kasalukuyan ay umiiral ang partial lockdown sa nasabing rehiyon sa China upang mapigilan ang panibagong surge.