Leni na-expose sa Covid patient; negative sa virus


INIHAYAG ngayong araw ni Vice President Leni Robredo na negatibo siya sa test makaraang magkaroon ng close contact sa isang Covid-19 patient.


Ani Robredo, agad siyang nag-quarantine at sumailalim sa test nang malaman na positibo sa virus ang isang nakasalamuha niya kamakailan sa pagbisita sa Naga City.


“Buti naman negative tayo. Bukas balik na tayo sa opisina,” aniya.


Matatandaan na noong Abril ay na-expose din si Robredo sa isang nagpositibo sa nakahahawang sakit. –A. Mae Rodriguez