Isko nadale ng COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa kanyang Facebook post, nagpaalam pa si Moreno sa kanyang mga tagasuporta.

“This is it! Ingat, mga Batang Maynila! Love you, all! May awa ang Diyos,” sabi ni Moreno.

Sinundo si Moreno ng ambulansiya ng Sta. Ana Hospital kung saan siya magpapagaling.

Tiniyak din ng alkalde na tuloy ang operasyon ng lokal na pamahalaan sa kabila ng kanyang pagkakaospital, partikular ang kampanya kontra Covid-19.