GCQ with restrictions iiral pa rin sa NCR Plus

PINALAWIG ni Pangulong Duterte hanggang sa katapusan ng buwan ang General Community Quarantine (GCQ) with restrictions sa NCR Plus.


Samantala, paiiralin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang ikalawang pinakamahigpit na lockdown classification, sa 21 lugar mula Hunyo 16 hanggang 31.


Ani Duterte, isasailalim ang Metro Manila at Bulacan sa GCQ “with some restrictions” habang GCQ “with heightened restrictions” sa Rizal, Laguna at Cavite.


Kabilang sa mga lugar na nasa MECQ ang mga sumusunod: Santiago City at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa Caraga.


Habang ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa GCQ: Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.


Mananatili naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na quarantine status, ang iba pang lugar sa bansa. –WC