Kambal na sanggol nasawi sa Covid-19

PATAY nang ipinanganak ang bagong silang na kambal ng kanilang ina na positibo sa Covid-19.


Nang i-swab, napag-alaman na positibo rin sa virus ang mga sanggol.


Masama umano ang pakiramdam ng ina bago isilang ang kambal kaya isinugod ito sa ospital.


Ayon sa ulat, anim na buwan pa lamang ang kambal nang iniluwal ang mga ito.


Nagpositibo rin sa virus ang padre de pamilya. –A. Mae Rodriguez