Face mask sa classroom boluntaryo na rin

INANUNSYO ng Department of Education na susundin nito ang utos ng Malacañang kaugnay sa boluntaryo na lamang na pagsusuot ng face mask sa mga indoor space.

“We will follow [Executive Order No.] 7 and issue an amendatory [department order],” ani DepEd Spokesman Michael Poa nang tanungin kung mandatory pa rin ang pagsusuot ng mask sa mga classroom.

Noong isang linggo ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang boluntaryo na lamang na pagsusuot ng face mask sa indoor and outdoor areas kahit mayroon pang banta ng Covid-19.

Gayunman, mananatili ang paggamit nito sa mga ospital at pampublikong sasakyan.