COVID cases tumaas na sa ibang lugar -DOH


INIULAT ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na tumaas na ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa ilang lugar sa bansa.

“Kailangan nating bantayan ang mga lugar ng] Marinduque, Davao City, Butuan City and Surigao del Sur. Nakikitaan din natin ng pag-increase ng cases ang Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes, Olongapo City, Tarlac City, Angeles City at Eastern Samar,” sabi ni Cabotaje.

Indinagdag ni Cabotaje na ito ay sa harap naman ng pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang lugar sa bansa at ang patuloy na pangangampanya ng mga kandidato.

Nauna nang nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng magpatupad muli ng lockdown sakaling tumaas ang mga kaso ng COVID-19.