Buong Manila Police District bakunado na

KUMPLETO na ng bakuna kontra-Covid-19 ang halos lahat ng miyembro ng Manila Police District (MPD).


Ayon kay MPD public information officer Capt. Philip Ines, 4,148 sa kabuuang 4,221 personnel o 98 percent ng police force ng MPD ay nabigyan na ng dalawang dose ng bakuna.


Kabilang sa mga nabakunahan ang mga non-uniform personnel, dagdag ni Ones.


Sinabi ng opisyal na nagpasalamat ang mga pulis na kabilang sila sa mga unang nabakunahan dahil importante na ligtas sila sa pagtupad sa tungkulin.


Nakaiskedyul na rin ang natitirang 73 na bakunahan ng ikalawang dose sa mga susunod na araw.