Pastor na paulit-ulit nang-rape bata, tiklo

INARESTO sa Botolan, Zambales nitong Biyernes ang pastor na ginawa na halos umanong sex slave ang isang menor de edad sa Oriental Mindoro noong 2014.


Kinilala ang suspek na si Richard Elmin, isang church leader. Nasakote siya habang nagtatago sa bahay ng kamag-anak.


Natunton ng pulisya ang kinaroroonan ni Elmin base sa sumbong ng mga kapitbahay.


Base sa reklamo, ilang beses ginahasa ng suspek ang bata, na miyembro ng kongregasyon, noong 2014.
Bago pa ito makasuhan ay nagtago ito sa Botolan.