Meralco may dagdag singil sa kuryente

TATAAS ang singil ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Abril ng 54 sentimo, o P10.18 kada kilowatt-hour (kWh) mula sa dating P9.65 per kWh.

Dahil dito, asahan na aabot sa P107 ang dagdag singil na kokolektahin ng Meralco sa mga kumokunsumo ng 200 kWh at P268 naman para sa mga kumukonsumo ng 500 kWh.

Tumaas ang generation charge ngayong Abril ng 4 sentimo o to P5.87 kWh mula sa dating P5.47 kada kWh.