Kampo ni Leni umalma sa ipinakakalat na sex video

UMALMA ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa kumakalat na sex video na naglalayong atakihin ang kanyang pamilya.

Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na s Barry Gutierrez na naghahanda na ang mga abogado ni Robredo para sa legal na aksyon na gagawin.

“It won’t yield votes for those who are spreading it. Ang mas malalim na goal ng ganitong tactic, ‘yung manggigil tayo at magwala sa social media. Para awayin natin ang mga tao at hindi tayo maka-convert,” sabi ni Gutierrez.

“Malinaw na krimen ito. At ang paraan para talunin ang mga ganito once and for all: Manalo tayo sa halalan, ayusin ang sistema, at panagutin ang mga nagkakalat nito,” ayon pa kay Gutierrez.

Ginawa ng kampo ang reaksyon matapos umikot sa social media ang sinasabing “mahahalay” na video ng panganay na anak ni Robredo.