Presyo ng diesel tataas ng P1.05/L

NAG-abiso na ang mga oil companies na may pagtaas sa produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 27.

Magtaas ng 20 sentimo kada litro sa gasolina habang P1.05 naman ang itataas ng presyo sa diesel at P1.20 naman sa kerosene o gaas sa kada litro.

Ayon sa Seaoil at Shell, ipatutupad ang oil price hike alas-6 ng umaga.

Matatandaan, noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis.