Ginang bugbog-sarado sa anak

SHOOT sa selda ang 33-anyos na lalaki na binugbog ang sariling ina sa Davao Oriental.


Sa viral video, makikita ang suspek na sinasaktan ang ina habang pinipigal ng mga nag-iiyakan niyang pamangkin.


Ayon sa pulisya, matagal nang may away ang mag-ina dahil hindi umano boto ang ginang sa kinakasama ng anak.


Sinampahan na ng kaso ang suspek.