Jed Madela hindi kinaya bashers, binura X post

IBINASURA ng singer na si Jed Madela ang X/Twitter post niya na pinu-promote ang kanyang concert sa Music Museum sa July makaraan siyang ulanin ng puna ng mga kakampink.


Pero bago burahin, nagpatutsada muna si Jed sa mga basher. “One line that resonated to me…’Ignore the noise… keep achieving.’ Have a great day!” aniya.


Matatandaan na binulabog ng mga panawagang boycott ang post ni Jed na inaanunsyo ang kanyang “Welcome to my World” concert nitong Huwebes sa X.


Karamihan ng mga nagkomento ay pinuna ang pagiging Duterte supporter ni Jed.


“Boycott @jedmadela concert. Hoy, you are out and loud DDS. Everytime you flamboyantly display your being a DDS, you are hurting the 12k employees of ABS who lost their jobs YET you are still working at ABS. Have some shame. Resign from ABS. Go to SMNI.”


“Who’s watching anyway? Need pa ba i-boycott?”


“May napasikat ba siyang kanta bukod sa wala?”