Big-time taas presyo sa langis nakaamba

NAKAAMBA ang big-time oil price hike ngayong Martes kung saan inaasahang aabot sa P6 hanggang P6:30 kada litro ang itataas ng halaga ng diesel.

Samantala, inaasahan naman na aabot sa P1.10 hanggang P1.40 kada litro ang iaakyat ng halaga ng gasolina.

Ito’y sa harap naman ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng langis para mapigilan ang napipintong recession sa buong mundo.