Kris gusto pang makitang nakatapos ng Medicine si Bimby

NAIS ni Kris Aquino na makitang nakapagtapos ng Medicine ang bunsong anak na si Bimby kaya nilalabanan niya ang kanyang autoimmune illnesses.

Sa kanyang pakikipag-usap sa kaibigang writer-editor na si Dindo Balares, sinabi ni Kris na pangarap niyang makitang mag-graduate ang bunso.

“Mahaba pa ang laban. My goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School here or UP (University of the Philippines), UST (University of Santo Tomas), or Ateneo [Medical] School,” aniya.

Ayon naman kay Balares, pinalalakas si Kris ng mga dasal at mensahe mula sa kanyang mga tagasuporta.

“Touched na touched si Kris sa prayers for healing ng kanyang mga kaibigan at followers. Pinalalakas at pinatatapang siya ng kanyang well-wishers,” sabi niya.

“The loyalty genuine love of people like you and the prayers, generosity, and kindness of people I’ve never even met — super blessed na ‘ko,” dagdag aniya ng Queen of All Media.

Matatandaan na na-diagnose si Kris ng apat na autoimmune diseases kabilang ang chronic spontaneous urticaria at Churg Strauss syndrome. Noong isang buwan, isiniwalat niya na nakararanas din siya ng sintomas ng ikalimang sakit.