Airport porter isinoli napulot na P400K

BIBIGYANG parangal sa Mayo ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang airport porter na nagsoli ng naiwan na pouch na may laman na P400,000.


Ayon sa MIAA, agad dinala ni Irwin Diana sa lost and found center ng NAIA Terminal 3 ang natagpuan niyang itim na pouch.


Nang buksan ang bag natagpuan sa loob ang isang American passport at ang cash.


“Basta kung hindi ninyo naman po pinaghirapan or hindi po sa inyo, ibalik po natin kung kanino po dapat,” ani Diana.


Matatandaan na noong isang linggo ay ibinalik ng porter ang bag ng pasahero na may laman na $100,000.