Bungo ng DJ basag sa bala

DEAD on the spot ang DJ ng isang bar makaraang puruhan sa ulo ng gunman sa General Maxilom Avenue sa Cebu City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Junrey Jimeno, residente ng T. Padilla, Cebu City.

Base sa ulat, kalalabas lang ni Jimeno sa bar kung saan siya nagtatrabaho nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa pamamaslang.