Publiko nawindang sa blind item ni Xian: ‘Foul play pinalabas na suicide’

HOT topic ngayong araw ang bagong blind item ng pambansang marites na si Xian Gaza.

“Sinetch itey na isang person ang galit na galit ng malaman niya na ipapamana pala sa anak sa labas lahat ng mga ari-arian kaya pinapatay nya ang kanyang sariling ama foul play pinalabas na suicide,” pasabog na kuwento ni Xian sa Facebook.

“Kaya pala nabigla at nagtaka lahat ng ka-close niya kasi sa pagkakakilala nila sa kanyang pagkatao ay hindi talaga magsu-suicide.” dagdag niya.

Iginiit ng social media personality na ang impormasyon ay mula sa isang “very credible source.”

Ayaw naman niyang magbigay ng clue kaugnay sa mga sangkot dahil napakasensetibo umano ng topic.