Papunta pa lang tayo sa exciting part! Hallyu fans, ready na ba kayo?

KASABAY ng pagluwag ng COVID-19 restrictions sa bansa, muling nagbabalik ang kinababaliwang KPOP groups sa bansa para humataw at aliwin ang kanilang Pinoy fans.

Una nang nagpakilig sa Smart Araneta Coliseum nitong nakaraang lingo ang KPop group na NCT Dream, WEi, at Alice kasama ang miyembro ng SHINee na si Key sa ginanap na Begin Again: KPOP Edition.

Ito ang kauna-unahanang pagkakataon na bumisita ang mga nasabing KPop personality mula nang magsimula ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Marami ang nabitin sa nagdaang concert kaya naman hindi dito nagtatapos ang kasiyahan ng KPOP fans.

ReVeluvs, save the date!

Hindi magpapahuli ang Red Velvet na confirmed nang magko-concert sa Pinas sa darating na July 22 para sa kanilang “BE YOU The World Will Adjust” event.

Inimbitahan ng Red Velvet ang kanilang fans sa pamamagitan ng isang video message na ipinost ng concert organizer sa kanilang Twitter account (@beyouofficial_), “Come join us to celebrate an extraordinary event for people with special needs,” sabi ni Wendy na isa sa mga miyembro ng grupo. “Kita-kits tayong lahat. Mahal po namin kayo!”

Bukod sa Red Velvet, kasama rin sa nasbing concert ang ating homegrown talents tulad ng P-Pop group na BGYO, BINI, and Lady Pipay.

Papahuli ka pa ba? Maaaring mabili ang tickets para sa BE YOU concert sa mga SM Tickets outlets at online na may halagang mula P1,500 hanggang P7,000.